Ang Kapangyarihang Sumigaw ng Cut: A Tagalog Reaction Post on the Proposal for Office workers to wear shirts and shorts to help cope with the power crisis in the Philipines


Mag-usap nga tayo nang dretsahan!

Ngayon ko lang din napag-alaman na may panukala umano ang ating Energy Secretary na pagsuotin nalang ng T-shit at shorts and mga manggagawa sa opisina bilang pagtugon at pagtulong sa lumalalang krisis sa enerhiya sa ating bansa na magdudulot ng mga “blackouts” na mararamdaman umano ng labis ngayong panahon ng tag-araw.

Muli na naman akong nagpag-isip sa mga maling systema ng ating gobyerno na tila ba mga “band-aid solutions” na panandalian lang at hindi naman talaga totoong nakakagamot sa mas malalim na problema. Naging diskusyon namin ang paksa na ito sa aming masiglang tanghalian kanina kung kayat akoy sumusulat tungkol dito sa aking blog.

Eto kasi yung mga klase nang paksa na nakakadulot ng emosyonal na reaksyon sa karamihan sa ating mga Pilipino dahil sa system ng pulitika sa ating bansa.

Sa aking palagay, hindi dapat mga ganitong klase ng solusyon sa problema and binibigyang halaga at dinidiin ng ating mga opisyales sa gobyerno sa halip ay dapat dun sila sa mga pangmatagalang solusyon o “long-term solutions.”

Naniniwala ako na ang nararapat at tamang paraan upang ayusin ang problema sa krisis sa enerhiya ay ang paglikha nga mga bago at natural na alternatibong panggagalingan ng enerhiya o yung “renewable sources of energy” tulad ng solar power, wind turbines o geothermal plants

Sa isang bansang tulad ng Pilipinas na maraming likas na yaman, hindi dapat ito mahirap ipatupad – kailangan lang ng tamang pangmatagalang pagpaplano, maasahang systema at tamang pagpapatakbo nito.

Kung isasang-tabi natin ang pansariling mga interes at pulitika, hindi dapat ito mahirap makamtan nating mga Pilipino dahil likas tayong masisipag at matatalino kung atin talagang nanaisin.

Maraming mga Pilipino na ngayon ang malalaki ang pangalan sa ibat-ibang larangan na ehemplo kung gaano kagaling ang Pilipino kung talagang may tiyaga sila at hindi magpapatalo sa katamaran. Ang nakakalungkot lang nga nito ay karamihan sa mga Pilipinong sumikat sa ibat-ibang larangan ay nasa ibang bansa dahil dun nila nakakamit ang tagumpay. Dahil dun walang kurakot na systema ng gobyerno ang sapat ang nakukuha nilang soporta sa mga proyektong nais nilang ipatupad.

Kung bakit kasi sobrang baluktot ang sistema ng pamahalaan natin?

Di ba kayo nagtataka kung:

Bakit yung mga taong may pananagutan sa batas at mayroong Criminal Records o Warrant of Arrest ay malayang nakakaalis at nakakapunta sa ibang bansa para magtago? May iba pa diyan nagtago ng ilang buwan sa labas ng bansa upang bumalik lang at maging Senador pa rin o tumakbo bilang susunod na presidente ng bansa? At yung mga matapat na nakikipagsapalaran lang bilang OFW ay minsan pinahihirapan pa ng Immigration at hindi nakakaalis ng bansa upang maghanap ng trabaho?

Ewan ko lang ha, pero parang may mali yata dun dibah?

Hindi mang-mang ang mga taong bayan pero silay ginagawang mang-mang ng mga baluktot na pamamalakad at walang-habas na pagwawaldas sa kaban ng bayan! Mali na hayaan nalang natin sila na patakbuhin ang bansa sa maling paraan hanggang malugmok tayong lahat sa kahirapan.

Ang tamang demokrasya ay yung saan ang bida ay ang mga tao at hindi ang gobyerno, hindi tayo isang monarkiya kung saan may hari o reyna na nagpapatakbo sa bansa. Tayong mga tao ang gulong na nagpapatakbo sa sasakyan at may destinasyon at hindi mga pasahero na nakiki-angkas lang kahit pa abutin ng aksidente sa daan dahil sa walang ingat na pagpapatakbo.

Dapat tayo makisama sa byahe at hindi maging tagapanood lang dahil ang buhay natin ay hindi naman sine na matapos ang palabas ay hindi naman totoo. 

Ang buhay natin ay totoo; bawat luha, bawat sakit, bawat hirap ay dama natin at tayo lang, walang iba ang makakapagbago nito. At kung may maling nangyayari man ang tayo din ang may kapangyarihang sumigaw sa huli ng “Cut!”.


P.S. This is my first attempt to write a Filipino post in my blog so please bear with me and excuse me for the grammatical errors. ;-)  
  

Comments

Popular posts from this blog

AN ESCAPE: LANIPAO RAINFOREST RESORT

Last Splash for Summer 2015: Busay Holiday Pools

National Holiday: Pinoy Native Games Day 2014! :-)